Grabe, parang computer lang ako ah, multi-tasking! Buti di pa ako nag-o-overheat, LOL. Ang dami kong dapat asikasuhin. Yung mga projects ko, yung leave ni Mama, yung registration sa BIR, yung pag-sosort ng mga lumang gamit sa bahay. Hay, sana lang magawa ko pa ding maigi ang mga designs ko, huhu. Basta cool lang ako. Relax... =)

Kung pwede lang may clone ako eh... LOL. Or substitute na lang. Hehehe...

Posted by woah-oh-oh on May 16, 2012 at 02:22 AM in Kahit Ano | 3 Comments

Thank you, Lord, at nagdadatingan ang mga projects! Nakakaaliw naman at sana sunod-sunod din ang payment, LOL. Kaya wish ko mabilis lang ang duration ng projects para mka-register na sa BIR at magawa na ang kung ano-ano pang kaechosan sa paglakad ng business. Thank you talaga!

---

May interesting kaming client ngayon, parang ang sarap-sarap ng produkto nya! Gusto kong humingi... free taste naman! Hehehehe!!!

---

Bukas, kikitain ko ang mga long time friends ko. Tagal ko na silang di nakita sa sobrang kabusihan sa trabaho ko noong walang kinahinatnan. Hehehe. Ay meron naman pala, may mga nakuha akong mga bagong techniques. Hehe! Anyway, birthday bash ng isa namin high school friend at dadalhin ko yung MagicSing. Wow, last year pa ako huling nag-videoke na nag enjoy ah! 

Talagang naglaan na ako ng oras sa mga repapips ko dahil wala na akong bakasyon nitong summer eh. Hindi ako nakauwi sa Batangas dahil sa una, yung kahaselan na nangyari nung nanganak yung katulong namin nung April at pangalawa, itong inaasikaso ko yung business at yung retirement, etc. ni Mama. At least ngayon, makapag-bonding naman sa ibang tao. 

Ang isa pang hinihintay ko at maglalaan talaga ako ng oras at budget ay yung 1-week Ilocos trip naman. Exciting!!!! =D

Posted by woah-oh-oh on May 11, 2012 at 09:49 AM in Trabaho At Raket | 2 Comments
« Newer · »